Buhay ng Magtatambalang

Screenshot 4 3

LCP Andy Alcantara

Ang pagtatamin ng tambalang (Seaweeds) ay ang pangunahing hanapbuhay ng mga taong nakatira sa mga Isla ng Caluya, Barangay Imba, lalawigan ng Antique.

Screenshot 3 4

Bawat isa ay namumuhay nang mapayapa, tahimik at masaya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari noong Disyembre 3-8, 2009 dumating ang malaking trahedya, ang bagyong Yolanda. Nagkaroon ng demolisyon, giniba ang 108 na kabahayan. Doon nagsimula ang aming paghihirap na syang bumasag sa kadalisayan at katahimikan ng aming pamayanan. At dahil sa pagkawasak ng aming mga tahanan, di na namin alam kung paano magsimula muli. Ngunit sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga tao dito sa aming barangay, muli kaming bumangon at bumuo ng asosasyon na kung saan ito ang kaagapay ng Sangguniang Barangay ng Imba sa pagkilos at pagsusulong ng mga programa at proyekto para sa mga magtatambalang (seaweed farmers). At dahil sa malaking tulong ng Rotary Club of Manila Metro sa pamamagitan ni Ginang Mai-Mai Lim, ang aming asosasyon ay aming pinangalanang “Imba Seaweeds Farmers Marketing Cooperative”. Taos puso kaming nagpapasalamt sa Rotary Club of Manila Metro noong kami po ay kanilang napili upang mabigyan ng mga punla at materyales upang ang seaweeds farming ay muling pumaimbulog at kaming mga magtatambalang ay muling sumigla. Napakalaking tulong po ito sa amin na makapagsimulang muli sa pagtatanim ng marami at iba’t ibang uri ng tambalang at nadagdagan ang aming kita at natustusan ang mga pangangailangan ng aming pamilya sa pang araw-araw. Unti-unti kaming nakabangon sa aming kabuhayan, ang iba ay nakapagpatayo na ng kanilang bahay, nakapagpagawa ng kanilang bangka at nakapagpatapos ng kanilang mga anak sa kalehiyo.

Screenshot 2 4

Sa paglipas ng  panahon, dumating ang Bagyong Ursula, araw ng kapaskuhan noong 2019. Muling sinalanta ng signal #3 ang bayan ng Caluya. Inanod ang aming mga pananim kasama ang aming mga lubid. Nasira ang aming mga bahay pati ang bodega at opisina ng aming kooperatiba kasama na rito ang aming mga kagamitan tulad ng computer, printer na aming ginagamit pati na ang mga iba pang kagamitan.

Screenshot 1 4

At sa mabilis na pag-ikot ng mundo  kasabay ang pag-iiba ng panahon, ay nagsisimula  kaming bumangon, hanggang sa dumating ang Pandaigdigang Pandemya. Mahigit dalawang buwan kaming hindi nakalabas ng bahay na dapat sana ay panahon ng aming paghaharvest ng seaweeds. Dahil sa pandemya napabayaan ang aming mga tanim na tambalang. Kasunod nito nagkasakit na rin ang aming mga tambalang nagkaroon nang pamumuti kaya halos wala kaming maharvest o mabenta.  Bumagsak din ang presyo nito dahil sa  pandemya.

Screenshot 5 4

Sa kasalukuyan kami ay muling  nahaharap sa isang malaking pagsubok dahil masyadong mababa ang presyo ng tambalang at nagkakasakit parin ito hanggang sa buwan ng Oktobre. Halos ang isang first class na variety ng tambalang  tinatawag na Cottoni ay nanganganib na mawala dahil sa Climate Change. Nakakapag patayo na rin kami ng bodega at opisina pero hindi pa tapos dahil sa kakulangan ng pundo.  Sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagtutulungan at pagsisikap ng bawat isa ay maipagpatuloy parin namin na mapalago ang aming Kooperatiba

Muli kaming nagpapasalamat sa napakalaking tulong na ibinigay sa amin ng Rotary Club of Manila Metro.  Ang aming kooperatiba ay magiging isa na sa kanilang RCC katuwang ang isang Rotary Club dito sa distrito ng Antique.